Paniniwala at Kultura ng mga Tribong Talaandig
Ang Talaandig, kilala bilang 'people of the slopes' (andig), isa sa pitong katutubong tribo na naninirahan sa lalawigan ng Bukidnon. Isang masigla at matatag na komunidad na may malalim na ugnayan sa kanilang mga ninuno. Kilala sa kanilang mayamang kultura at matibay na koneksyon sa kalikasan, sila ay matagal nang mga tagapangalaga ng mga luntiang gubat at matabang lambak ng mga kabundukan ng Bukidnon. Ang mga IPs na nagpapalagay sa kanilang sarili bilang Talaandig ay karamihang matatagpuan sa Lantapan at Talakag.Bilang isa sa pitong tribo ng Bukidnon, na matagal nang namumuhay sa mundong ito, maiisipang marami rin silang mga tradisyon o pamahiing pinaniniwalaan. At gayun nga, ito ay ating kikilalanin isa isa ang mga di gaanong kilanlin'g impormasyon patungkol sa mga Talaandig, na sa kasamaang palad ay unti unti nang nawawala simula ng sakupin ng mga Kastila/Espanyol ang ating bansang Pilipinas.A. Mga Paniniwala at KaugalianBeliefs and traditionsCourtships/MarriageKung ikaw ay may anak na babae na nasa tamang edad na para ikasal, kung sino mang lalaki ang may gusto sa babae ay maaaring mag bigay ng plato upang ikawit sa bahay ng babae. May isang datu ang mag sisiyasat ng tatlong araw kung ang lalaking nanliligaw ay tatanggapin ng babae o hindi. Kung ang lalaki ay hindi tinanggap, isasauli ng babae ang plato na may kasamang pera o pagkain, bilang pagpapahiwatig na sila ay nanghihingi ng paumanhin sa pag tanggi sa lalaki. Sa kabilang palad, kung ang lalaki ay tinatanggap ng babae, hindi isasauli ang plato at maaari nang pagplanuhan ang kasal ng dalawang magkasintahan. Bukod dito, sa gitna ng kasal ng magkasintahan, bilang "toast" ng dalawa, sila ay mag susubuan ng kanin gamit ang kanang kamay. At sa halip na pari, datu ang mangununa ng kasal.B. PanganganakChildbirthNaging kultura ng mga Talaandig noon na kung may taong manganganak ay tumatawag lamang ng tinatawag na "mananabang". Ang mananabang na kung sa Tagalog ay "tagapag-tulong" ibig sabihin, ito yung tumutulong upang ang manganganak ay makapag-anak. Ang mananabang ay may kaalaman kung paano magpa-anak. Ang kulturang ito ay hindi lamang naging kaugalian ng mga Talaandig kundi naging kultura rin ito ng iba pang mga tribo noon. Sa panahon ngayon, naging bihira na ang nakaugalian noon at naging bawal na ang panganganak sa bahay, upang masigurado ang kaligtasan ng bata at ng magiging ina.C. KamatayanDeathAng kamatayan ay ang pamalagiang pagwawakas ng isang tao. Sa kultura ng mga Talaandig, kapag mayroong namatay ay nakagawian na nila na mag serbisyo ng siyam na araw sa bahay ng namatayan kahit na tapus nang nailibing ang yumao.D. PaglilibingBurialAng kultura naman ng paglilibing ng mga Talaandig ay gumagawa lamang sila ng kanilang sariling ataul sa kanilang bahay. Ito ay dahil sa panahon bago tayo sinakop ng mga kastila, hindi pa naibabahagi ang konsepto ng pakikipagkalakalan. Ayon sa aming nakapanayam, sinabi nito na kapag namatay ang isang tao ay awtomatiko itong inilalagay sa ataul at agad ring ililibing ang yumao kung namatay sa oras ng umaga. Kapag naman yumao ito sa oras ng hapon o gabi ay inililibing ang bangkay kinabukasan.E. Pag-iwas sa PagbubuntisPregnancy restrictionsHindi mapagkakaila na kapag ang nagbubuntis ang isang tao ay meron itong iniiwasan para sa malusog at ligtas na pagbubuntis. Isa sa mga pinaniniwalaan ng mga Talaandig na kapag ang isang buntis ay kumain ng udlot ng sayote ay sa araw ng panganganak ay mahihirapan ito sa paglabas ng bata. Ang salitang "udlot" ay nangangahulugang bagong tubo ng dahon, ipinagbabawal sa isang buntis ang pagkain ng udlot ng sayote. Naging paniniwala rin nila ang umiwas sa pagkain ng Pipino, sapagkat isa ito sa magbibigay ng bigat o "bughat" sa pagbubuntis. Hanggang ngayon ang mga pagkain na pinaniniwalaang makakapag-pabigat sa pagbubuntis ay iniiwasan ng mga nagbubuntis. Ayon pa sa aming nakapanayam, pinaniniwalaan rin na bawal magtahi ang buntis at iba pang mga gamit ay kailangang ligpitin upang itatalina kapag nararamdaman na ang kalapitan ng pagpapanganak. Ang "talina" ay nangangahulugang pagbubuo ng usok. Ang mga kagamitan na nailigpit ay maaaring maging materyales din na isasali sa pagbuo ng usok, kung saan ang buntis ay magpapausok nito, sinasabing kapag nakapagtalina ay magiging madali at hindi mahihirapan ang buntis sa pagluwal ng bata.F. Pag-aalaga at Pagdidisiplina sa AnakCare and Discipline to their childrenAng pagdidisiplina ay pagpaparamdan ng pag-aalaga sa anak. Naging paraan ng pagdidisiplina ng mga Talaandig sa kanilang mga Anak ang pagbabawal nito na makapag-gala upang maiwas ito sa gulo, bawal ito makinig sa usapan ng mga matatanda. Hindi man bago sa atin ang mga ito, subalit naging mas mainam para sa kanila na manatili lamang ang kanilang mga anak sa kanilang sari-sariling bahay. Bilang kanilang mga anak, sumusunod ito sa kagustuhan ng kanilang magulang upang masigurado ang kaligtasan nito.G. Mga Batas at Tradisyon sa PanggagamotThe law and traditions of healing/treatmentAng Talaandig ay pinamumunuan ng datu o pinuno na siyang itinuring na ama ng pamayanan at responsable sa buong komunidad. Tungkulin ng datu ang tulungan ang kanyang mga tao sa kanilang mga pangangailangan tulad ng pagtataguyod ng mga gawain upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay, o makialam para sa kanila, halimbawa ay problema sa lupa.Sa kabilang banda, mayroon ding tradisyon ang mga Talaandig sa panggagamot. Ito ay ang mas kilalang herbal medicine na karaniwang hinuhulma o iniimbento ng albularyo na nagsisilbing doktor sa kanilang komunidad. Ayon sa aming nakapanayam, ginagawang bayad sa albularyo ang isang munting butones kung walang kahit anong maibigay, iyan ay dahil sa kanilang paniniwala na kapag ka sila ay may hinihinging pabor sa isang albularyo ay ito ay nangangailangan ng kapalit kahit pa isang maliit na butones. Kapag naman may kaya ay maaring magbayad ng kahit ilang donasyon ang tao sa albularyo basta't ito ay mula sa puso.H. Mga Gamot at Paniniwala sa SakitHerbs and beliefs about illnessAyon sa aming nakapanayam, noon paman ay mayroon ng sakit na ubo, sipon at lagnat. Iyan ay natural lamang na maranasan ng isang tao. Gayunpaman, mayroon din silang mga paniniwala gaya na lamang ng mga "maalam" na kung saan sila ay may kakayahang malaman na mayroong taong gusto pumasok sa kanilang territoryo at ito ay may dalang sakit. Upang maiwasan ang paghawa ng sakit sa mga taga roon ay tinatagpo ng Sabandal (designated protector) at ng Datu ang taong gustong pumasok.Pagkatapus ay gumagawa sila ng isang ritwal na kung saan nagkakatay sila ng pitong baboy, pitong manok, at nagluluto ng bigas upang ipakain sa mga taong gustong pumasok. Isinasagawa nila ito upang magsilbing alay at hindi na pumasok ang sakit o anumang masamang elemento sa kanilang komunidad.I. PamahiinSuperstitionsAng tribo ng Talaandig, mga taong naninirahan sa matatarik na dalisdis ng mga bundok, ay mayroong mahabang kasaysayan na nag-ugat sa sinaunang panahon. Ang kanilang kultura at tradisyon, na nabuo sa loob ng maraming siglo, ay nagpapakita ng malalim na koneksyon sa kalikasan at sa mga espirituwal na paniniwala. Sa gitna ng kanilang mga paniniwala, nakatayo ang konsepto ng Magbabaya, ang pinakamataas na Diyos na kinikilala at sinasamba ng mga Talaandig.Si Magbabaya ay hindi lamang isang diyos na nakaupo sa langit, kundi isang aktibong puwersa na naroroon sa lahat ng bagay sa paligid nila. Ang kagubatan, ang mga ilog, ang mga bundok, at maging ang mga hayop ay pinaniniwalaang pinamumugaran ng mga espiritu na nagsisilbing tagapagbantay at tagapangalaga ng kalikasan. Ang mga espiritu na ito ay maaaring magdala ng suwerte o kaparusahan, depende sa pagtrato ng mga tao sa kanilang kapaligiran.J. Mga paniniwala sa pagtatanim at paghahanapbuhayPlanting and living beliefsUpang mabuhay sa pang araw-araw, nagtatanim ang mga Talaandig ng kagaya ng mga kamote, saging, balanghoy, lutya at iba pa. Ito ang nagsisilbi nilang pagkain sa bawat araw, at hindi ito naging negosyo. Hindi nakasanayan ng kanilang tribo ang magbenta bilang hanapbuhay. Sa panahon nila noon, ang mga pagkain ay binibigay lamang sa ka-tribo at hindi kailanman ibinebenta, iyan ang naging buhay nila nung mga panahong hindi pa namumuno sa bansang Pilipinas ang dating Pangulo na si Ferdinand Marcos.Nagsimula lamang silang natutong magbenta nung panahong ang naging Pangulo na ay si F. Marcos. Ang itinanim nila na kanila ring naging hanapbuhay ay nabebenta lamang doon sa hindi nila ka-tribo, sa lugar ng mga sanay sa pamimili at pagbebenta.K. Mga paniniwala sa aswang at mahika.Evil spirits and magicNoon paman, may nga kasabihan at mga paniniwala tayong di ka aya aya sa mga matatakutin na mga tao. Mga aswang , dwende, o tikbalang ay isa lamang sa mga paniniwalang lumaganap sa ating mga Pinoy. Subalit, di kagaya ng ibang mga tribo , ang mga talaandig ay di naniniwala sa mga supernatural na umaaligid raw sa paligid. Sinasabing mga 'sugilanon' o sabi sabi lamang ang mga ito.L. Espiritu/Anito o KapangyarihanSpirits/Idols or powerNgayon, napagalaman na nating may Dyos at espiritu ng kalikasan na pinaniniwalaan ang nga talaandig. Ngunit, sa kabila nito, hindi sila naniniwala sa mga anito o kapangyarihang kinakatakutan ng nakararami. Katulad ng pamamarang, isang itim na kapangyarihang hinuha ng mga tao na nangyayari sa mga nagkakaroon ng matinding sakit o pinsala na lumilitaw o lumulubha ng 'walang dahilan'. Sa kadahilanang di pa raw nila ito nasasaksihan.
Interviewers: Jan Marri C. Pamat
Nica Daniela B. Pacaldo
Mae Ann A. Paden
Comments
Post a Comment